I’ve copied the whole text from Facebook where my daughter, our one and only, sent this father’s day love quote / message / poem to me on the day of the celebration. I so love to write and I guess I must’ve done something right during my time for her to be able to come up on one big heart full of love for a father and a parent. This is a Tagalog poem.
Ang Pagmamahal ng Isang Ama
Di man ako ang nagluwal sa’yo,
Mahal kitang higit sa buhay ko,
Sa oras na kailangan mo,
Asahan mong nariyan lang ako.
Sa mundong mapait at mapanghusga,
Pangakong ipagtatanggol kita,
Pilit itutuwid ang maling nagawa,
Hindi hahayaang masaktan ka ng iba.
Walang di kayang tiisin para sa’yo,
Handang ibigay lahat ng kailangan mo,
Kahit pagod lagi sa trabaho,
Basta para sa’yo, anak, gagawin ko.
Titiisin kahit mahiwalay sa’yo,
Kung ito ang ikagaganda ng buhay mo,
Malayo ka man sa piling ko,
Lagi ka namang nasa aking puso.
Hiling ko lamang anak ko,
Wag malihis ang landas mo,
Dahil lahat ng ito, para sa’yo,
Ganyan ka kamahal ng tatay mo.
********************************************
-For my father, most especially
But this is for all the fathers out there. We, your sons and daughters know how much you love us and what you are capable of doing for all of us.
It’s a very short poem, hindi man ako tatay, I know na ganito magmahal ang isang ama. Willing magtrabaho non-stop, ginagawa lahat para mapag-aral tayo (with the help of our nanays syempre), di baleng mahiwalay sa anak at syempre, taga-tanggol rin sila diba? Especially pag babae ang anak at only child pa (parang ako hehehe), DI NILA PAPAYAGAN NA MAY MANAKIT SA’YO
So honey, Happy Father’s Day super sipag mo talaga XD hahahaha kaya nagsisipag rin ako mag-aral para sa inyo ni nanay, para grumaduate na scholar kasi ayoko ng intindihin niyo pa yung kalahati ng tuition, at least I have my part naman. Ayokong ma-istress ka pa, so as much as possible, I take care of everything at school.
FOREVER YOUNG KA PARIN XD 24 yrs old
I LOVE YOU HONEY! ^____^