Eh puchacs naman talaga oh, 4:00 am na di pa rin makatulog, nagising ng ala una at heto nagsulat na lang…
at 4:00 am
napaka sarap pakinggan pag live
lintik na Yiruma to oh!
tuloy heto, naghahanap, walang makausap
lahat ng isip tulog pero itong akin gising
leche Sam leche!!! (naalala ko lang)
tampalasan talaga ang diwa ng makata ngayong madaling araw
heto’t si antok ayaw dumalaw…
aknam, putik, p.i. haaay naku walang maisip
binalikan ang isang lumang nakaraan
sadya ngang mabilis ang paglaho ng daan
oo daan bakit bawal ba ilagay to sa poem ko?
ang sarap sarap maging walang sense paminsan minsan
parang yung mentor ko noon sa lyrics writing
si Rom Dongeto ng Buklod
kinatay ang mga salita ng makata
“masarap magtampisaw sa mababaw na ulan”
ulan ulan pantay kawayan
bagyo bagyo pantay kabayo
haha! o di ba masaya pag walang sense?
walang ka stress stress lalo na pag nakikinig
ng musika galing sa kaluluwa ni Yiruma
at 4:00 am……
Disclaimer: wag wag nyo ko tanungin kung bakit mahilig ako sa maraming tuldok. may ibig sabihin yan at ako lang ang nakakaalam. bilangin nyo na lang.